Operation Tuli at Libreng Gupit, pinangunahan ng 97.5 Brigada News FM Tagum City
Matagumpay na maituturing ang isinagawang Operation Tuli at Libreng Gupit na pinangunahan ng 97.5 Brigada News FM Tagum nito lamang Hunyo 29, 2024 sa NCCC Mall of Tagum, Davao del Norte.
Ang naturang aktibidad ay nakapaghandog ng 157 na libreng tuli sa 184 na benepisyaryo.
Labis naman ang naging pasasalamat ng mga magulang sa serbisyong ito lalo pa at napatunayan na ng mga eksperto na sa pamamagitan ng pagtuli ay mas nakakaiwas ang lalaki sa Urinary Tract Infection (UTI), penile cancer, human immunodeficiency virus (HIV) at iba pa.
Kabilang naman sa aktibong nakiisa upang maging posible ang serbisyong ito ay ang Davao Norte Police Provincial Office, Police Regional Office 11 Medical Team, 1001st Brigade Philippine Army Medical Team, 10th Infantry Division Philippine Army, Eastern Mindanao Command Philippine Army, Nature Spring, Coca-Cola, Provincial Cooperative Union, NCCC Mall of Tagum, Barangay Magugpo East Tagum, Barangay New Visayas Panabo City at Department of Health.
Gayundin, aktibo ring sumuporta sina Councilor Jan Dmitri Sator, Vice Governor Jayvee Tyron Uy at Honorable Joseph Nilo Pareñas, MD.