Tree Planting Activity, isinagawa sa Lanao del Sur
Matagumpay na isinagawa ang Tree Planting Activity sa Barangay Gurain, Tugaya, Lanao del Sur noong ika-29 ng Hunyo 2024.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng Mindanao State University – Main Campus, Management Department ng CBBA Batch 2024 katuwang ang Lanao del Sur Police Provincial Office sa pamumuno ni Police Colonel Robert S Daculan, Provincial Director, Tugaya Municipal Police Station, Piagapo MPS, BFP Tugaya, Ministry of Environment, Natural Resources and Energy at LGU Tugaya.
Layunin ng aktibidad na makapagtanim ng mga puno upang mapabuti ang kalikasan, labanan ang climate change, magbigay ng lilim at oxygen, at magpabuti sa kalusugan at kapaligiran ng komunidad.
Patunay lamang na ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ay patuloy na magsasagawa ng mga aktibidad upang maprotektahan ang kalikasan para sa maayos at maunlad na bagong Pilipinas.