BPATs Skills Enhancement Training, isinagawa sa Iriga City

Aktibong dinaluhan ng mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) at Opisyales ng Barangay Sto. Domingo ang isinagawang Skills Enhancement Training na pinangunahan ng Iriga CPS nito lamang ika-3 ng Hulyo 2024.

Tinalakay ng mga tagapagsanay sa nasabing aktibidad ang tamang pamamaraan ng pag-aresto, handcuffing at pagtugon sa anumang sakuna at kaganapan sa kanilang nasasakupan.

Ang aktibidad na ito ay naglalayong makatulong at magbigay ng kasanayan sa mga miyembro ng Force Multipliers ng Barangay upang magkaroon sila ng kaalaman na kapaki-pakinabang sa kanilang tungkulin.

Photos Credit/Source: Iriga City Police Station

Panulat ni PCpl Brian B Imperial

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *