KKDAT, nakilahok sa Community Outreach Program
Masugid na nakilahok ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo sa isinagawang Community Outreach Program sa Barangay Rizal, Covered Court, San Carlos, Negros Occidental nitong ika-12 ng Hulyo 2024.
Naging matagumpay ang nasabing programa sa masigasig na pangunguna ng mga tauhan ng 2nd MP, 605th Coy, RMFB 6 sa ilalim ng pamumuno ni PLt DJ Norman Belleza, mga opisyal ng barangay, Kabataan Kotra Droga at Terorismo (KKDAT), at iba pang Advocacy Support Group.
Layunin ng pagtitipon na magbigay ng tulong at serbisyo na tutugon sa pangangailangan ng komunidad sa pamamagitan ng iba’t ibang aktibidad tulad ng talakayan hinggil sa Gender and Development Awareness at Crime Prevention, at pamimigay ng mga IEC materials.
Sinundan ito ng isang Feeding Program at pamamahagi ng iba’t ibang laruan sa humigit kumulang 50 na mga bata sa daycare center na pinamunuan ni Mrs. Anson Ravena Quillas.
Patuloy ang KKDAT na makikilahok sa mga ganitong uri ng programa na nagpapatunay ng pagkakaisa, pagpapahalaga at pagmamalasakit sa kapakanan ng komunidad upang makamit ang bagong Pilipinas.
Panulat ni Andrea Dominique Depalubos
Source: PCADG Western Visayas