COCPO Force Multipliers, nakiisa sa Bloodletting Activity

Nakiisa ang Cagayan de Oro City Police Office (COCO) Force Multipliers sa isinagawang Bloodletting Activity sa Barangay Nazareth, Cagayan de oro City nito lamang ika-13 ng Hulyo 2024.

Ang naturang aktibidad ay inisyatibo ng Northern Mindanao Medical Center (NMMC ) na pinamumunuan ni Dr. Jose C Chan, Medical Center Chief II.

Aktibo ring nakilahok ang Bureau of Jail Management and Penology 10, Coast Guard District Northern Mindanao at Advocacy Support Groups.

Nasa 11,250 cc o 25 bags ang nalikom na dugo sa nasabing aktibad.

Layunin nito ang makatulong sa pagtaas ng blood supply sa mga ospital at blood banks, at kamalayan sa kahalagahan ng regular na pag-donate ng dugo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *