Pamimigay ng food supplies, isinagawa sa Zamboanga City
Ipinamalas ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) kasama ang mga tauhan ng Zamboanga City Police Station 11 ang pagbibigay ng seguridad kaugnay sa pagbibigay ng relief supplies sa San Jose Gusu Covered Court Zamboanga City, nito lamang ika-14 ng Hulyo 2024.
Pinangunahan ng 2nd District Congressman Hon. Mannix Dalipe, City Mayor Hon. John Dalipe, Vice Mayor Hon. Pin-pin Pareja, City Councilor Jerome Santos, Vino Guingona, ABC President Jordan Evangelista at DCDO Police Lieutenant Colonel Paul Andrew Cortes katuwang ang Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) at Zamboanga City Police Station 11.
Layunin ng aktibidad na bigyang malasakit ang mga mamamayan at iparamdam ang pagmamahal ng mga iba’t ibang ahensya ng gobyerno katuwang ang PNP para sa umaangat na bansa tungo sa pagbabago para makamit ang maunlad na Bagong Pilipinas