Tree Planting Activity, isinagawa sa Maguindanao del Norte

Matagumpay na isinagawa ang Tree Planting Activity ng Apo Fraternity and Sorority sa Barangay Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte nito lamang ika-13 ng Hulyo 2024.

Ang naturang aktibidad ay dinaluhan ng mga miyembro ng BLGU ng naturang lugar katuwang ang Air Force, Maguindanao del Norte 2nd Provincial Mobile Force Company.

Ito ay naglalayong makapagtanim ng mga puno na makapagbigay ng mas maayos na kapaligiran.

Ito ay may layuning tumulong sa pandaigdigang pagsisikap sa reforestation, pagkukumpuni ng nasirang ecosystem, at pagpapagaan ng pagbabago ng klima.

Patunay lamang na ang mamamayan at ang buong hanay ng kapulisan ay patuloy na magsasagawa ng mga aktibidad para sa maayos at maunlad na bagong Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *