BPATs Olympics, isinagawa sa DavOr

Naglaban sa isinagawang Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT Olympics) ang iba’t ibang BPATs sa Davao Oriental bilang bahagi ng pagdiriwang ng 29th PCR Month ng Davao Oriental Police Provincial Office nito lamang ika-16 ng Hulyo 2024.

Ang naturang paligsahan ay hinati sa apat na bahagi kung saan nasubukan ang kahusayan ng mga kalahok pagdating sa Search and Rescue Operation (SARO), Basic Fire fighting, Arrest and Handcuffing Technique at Arnis Sparring.

Sa pakikipagtulungan ng PDRRMO, BFP, PRC, at iba pang partner na ahensya, ang nasabing aktibidad ay idinisenyo upang ipakita ang pinakamahusay na mga praktis ng mga responders ng C/MDRRMO, mga tauhan ng PNP, at Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kanilang kakayahan, kaalaman, at mga kasanayan na mahalaga sa kanilang mga tungkulin bilang mga tagasuporta sa pagpapatupad ng batas at pamamahala ng sakuna.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *