Illegal Drug Abuse at Crime Prevention Symposium, isinagawa sa Davao del Sur

Matagumpay ang naging pagtatapos ang isinagawang Symposium on Illegal Drug Abuse and Crime Prevention nito lamang ika-16 ng Hulyo 2024 sa Barangay Asinan, Matanao, Davao del Sur.

Ang naturang aktibidad ay naging posible sa aktibong suporta ng Pamahalaang Lokal ng Barangay San Asinan sa Matanao Municipal Police Station kung saan ay maliban pa sa Illegal Drug Abuse at Crime Prevention ay naging bahagi rin ng talakayan ang HIV/AIDS Prevention, Teenage Pregnancy Prevention at ang Role of the Youth Services and Programs in the Community.

Ang pagtitipon na ito ay naglalayong imulat ang mga kabataan ng Barangay Asinan sa mga napapanahon na mga kaganapan na maaaring magdulot ng malaking epekto sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay at kinabukasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *