Educational Outreach Program, isinagawa sa Davao City
Isang Educational Outreach Program sa Carmen Integrated School sa Lungsod ng Davao ang isinagawa ng Davao Masonic Lodge No. 149, Teodora Alonso Chapter No. 4 Order of the Eastern Star nito lamang ika-26 ng Hulyo 2024.
Ang naturang programa ay isinagawa kasabay ang Brigada Eskwela 2024 kung saan ay malugod na iniabot ng mga ito ang mga walis, dust pan, roller, brush, alcohol at Weather Gard na pintura na gagamitin upang mapaganda at maihanda ang paaralan sa nalalapit na face-to-face na klase.
Aktibo namang nakiisa rito ang 1st City Mobile Force Company, Davao City Police Office na handog rin ay ligtas na pagtatapos ng programa at pamimigay ng Information, Education and Communication materials na naglalaman ng paalala hinggil sa bomb and IED awareness, safety awareness at hotline numbers.
Labis naman ang naging pasasalamat ng mga guro ng Carmen Integrated School sa makabuluhang kaganapan na ito kung saan ay mas pinatatag pa ang pakikipagtulungan sa pagitan ng mga nabanggit na mga stakeholder at Department of Education na may iisang hangarin na suportahan ang mga mag-aaral tungo sa pagkamit sa kanilang mga pangarap.