Food Packs Distribution, isinagawa sa Maguindanao del Sur

Matagumpay na isinagawa ang Food Packs Distribution ng Local Government Unit ng Shariff Saydona Mustapha sa Barangay Dilembong at Barangay Nabundas, Maguindanao del Sur nito lamang ika-26 ng Hulyo 2024.

Pinangunahan ni Hon. Datu Sajid Andrei S Ampatuan, Municipal Mayor ng naturang lugar ang pamamahagi ng mga food packs katuwang ang Local Government Unit ng MDS, personahe ng Shariff Saydonas Mustapha Municipal Police Station sa mga residente na naapektuhan ng bagyo.

Layunin ng aktibidad na ito na ipadama ang malakasakit ng pamahalaan sa mamamayan at makatulong sa panahon ng sakuna.

Patunay lamang na magtutulungan ang pamahalaan at ang buong hanay ng pulisya upang makamit ang maayos at maunlad na bagong Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *