Pamamahagi ng School Supplies at Food Packs isinagawa sa Las Piñas City

Nagsagawa ng pamamahagi ng School Supplies at Food Packs para sa mga kabataan ang isang Non-Government Organiztation sa TOPS Ville Barangay Pulang Lupa 2 Las Piñas City nito lamang Biyernes, Hulyo 26, 2024.

Ang aktibidad ay naisakatuparan sa pamamagitan ng TITIBOIZ (To Inspire and To Influence-Boys) sa pamumuno ni Mike Christian Someros katuwang ang District Community Affairs and Development Division ng Las Piñas City Police Station.

Ang aktibidad ay naglalayong magbigay ng suporta sa mga batang nasa paaralan sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mga gamit pang-eskwela na gagamitin sa nalalapit na pagbubukas ng mga klase.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *