Relief Operation, isinagawa sa Olongapo City
Matatamis na ngiti ang isinukli ng mga residenteng lubos na naapektuhan ng Bagyong Carina nang makatanggap ng ayuda mula sa mga Advocacy Support Groups, PNP at sa mga pribadong grupo sa pamamagitan ng relief operation na isinagawa sa Barangay Sta. Rita, Olongapo City nito lamang Biyernes, ika-26 ng Hulyo 2024.
Pinangunahan ito ng mga miyembro ng Subic Bay Baptist Church at Women in God’s Service sa pakikipagtulungan ng mga tauhan ng Olongapo City Police Office sa pamumuno ni Police Colonel Charlie D. Umayam, City Director.
Tumanggap ang mga benepisyaryo ng mga libreng pagkain, tubig at mga hygiene kits na magagamit habang nasa evacuation center.
Layunin ng aktibidad na makapagbigay ng tulong sa mga kababayan nating labis na naapektuhan ng Bagyong Carina upang matugunan ang kanilang agarang pangangailangan.