Drug Awareness Symposium, dinaluhan ng mga mag-aaral ng Malilipot National High School sa Albay

Aktibong dinaluhan ng mga Grade-12 Senior High School Students ng Malilipot National High School ang isinagawang Drug Awareness Symposium ng mga personahe ng PNP Drug Enforcemeng Group SOU5 na ginanap sa Malilipot, Albay nito lamang ika-9 ng Septiyembre 2024.

Sa aktibidad na ito, tinalakay ng mga tagapagsanay ang mahahalagang paksa ukol sa Drug Awareness at Anti-Terrorism Campaign.

Layunin ng aktibidad na bigyan ng kaalaman ang mga estudyante tungkol sa mga panganib ng ilegal na droga at mga hakbang upang labanan ang terorismo.

Ang ganitong mga aktibidad ay mahalaga sa pagpapalawak ng kaalaman ng kabataan at pagpapalakas ng kanilang papel sa pagbuo ng ligtas at maunlad na komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *