4th PJSCC Command Conference para sa Ligtas at Maayos na Halalan 2025, isinagawa sa Samar
Matagumpay na isinagawa ng Commission on Elections ang ika-4 na Provincial Joint Security Control Center Command Conference para sa Ligtas at Maayos na Halalan 2025 sa Samar Convention Center, Catbalogan City nito lamang Abril 30, 2025.


Ang aktibidad ay pinangunahan ng Commission on Elections Samar sa pamumuno ni Atty. Karen C. Cajipo, Provincial Election Supervisor sa pakikipagtulungan sa Samar Police Provincial Office sa pamumuno ni Police Colonel Antonietto Eric A Mendoza, Provincial Director kasama ang mga kinatawan mula sa AFP, PCG, DepEd, COMELEC, at iba pang katuwang na ahensya.
Ilan sa mga tinalakay sa agenda ay ang kasalukuyang sitwasyon ng kapayapaan at seguridad sa lalawigan, ang peace and order situation, at ang pinal na pinag-isang deployment at security plan upang matiyak ang ligtas at maayos na proseso ng halalan.
Sa pamamagitan ng Command Conference na ito, pinagtitibay nito ang aming kahandaan na protektahan ang integridad ng proseso ng halalan at ang kaligtasan ng bawat Samareño.
Nagtapos ang pulong sa isang pinagsama-samang paninindigan mula sa lahat ng ahensya na pangalagaan ang demokrasya at tiyakin na ang mga mamamayan ng Samar ay makakaboto nang malaya at ligtas.