Charity Alliance of Riders in Mindanao, nagsagawa ng Outreach Program sa Davao Oriental
Pinangunahan ng Charity Alliance of Riders in Mindanao (CHARM) ang isinagawang outreach program na may temang “Nagkakaisa para sa mga Batang Nangangailangan” nito lamang Setyembre 15, 2024.
Nagsilbing benepisyaryo sa pagkakataong ito ang mag-aaral ng Anangilan Elementary School ng Barangay Tagugpo, Lupon, Davao Oriental at naisakatuparan sa aktibong suporta ng mga guro ng naturang paaralan.
Ang nasabing programa ay nakapaghandog ng mga school supplies sa mga batang mag-aaral gayundin ay nakapagbahagi rin rito ng food packs. Maayos namang nagtapos ang aktibidad sa suporta ng Lupon Municipal Police Station na tiniyak ang area security at namigay rin ng Information, Education and Communication(IEC) Materials sa mga magulang ng mga mag-aaral. Ang IEC materials na mga ito ay naglalaman ng mga mahahalagang paalala upang maiwasan ang krimen.
Ang kaganapang ito ay sumasalamin sa dedikasyon ng mga pribado at pampublikong sektor sa pagsuporta sa edukasyon ng mga bata at pagbibigay tulong sa mga nangangailangan.