Mahigit 100 Mahogany Seedlings, Naitanim sa sa Davao Occidental

Nagkaisa ang iba’t ibang pampubliko at pribadong sektor sa isinagawang Tree Planting Activity kung saan ay mahigit 100 mahogany seedlings ang naitanim sa Sitio Kural, Brgy. Kitayo, Jose Abad Santos, Davao Occidental nito lamang Setyembre 14, 2024.

Kabilang sa mga aktibidong nakiisa sa makabuluhang aktibidad na ito ay ang 2nd Davao Occidental Provincial Mobile Force Company, Barangay Council ng Kitayo, Barangay Health Workers(BHW), BPATs at Kitayo Balangonan Driver Association (KIBADAS).

Ang layunin ng aktibidad na ito ay magtatag ng magandang relasyon at pakikipagtulungan sa ating mga stakeholder at iba pang sektor ng gobyerno sa aktibong suporta sa pakikilahok sa komunidad, tulad ng pagtatanim ng mga puno sa pamamagitan ng mga inisyatibong pangkapaligiran.

Ang pagtatanim ng mga puno ay lubos na nagpapabuti sa kalidad ng ating natural na kapaligiran, at nagiging bahagi ng positibong pagbabago sa ating lipunan at kalikasan.

Ang dedikasyon at pag-aalala para sa kapaligiran ay nagpapakita ng kahalagahan ng pagkakaisa at aksyon upang mapanatili ang kagandahan ng ating kalikasan para sa mga susunod na henerasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *