Spirit Growth Lecture, dinaluhan ng mga mag-aaral sa Glan Sarangani
Dumalo at nakiisa ang mga mag-aaral ng Glan School of Arts and Trades sa isinagawang Spiritual Growth Lecture ng Sarangani Maritime Police Station sa Glan, Sarangani nito lamang ika-13 ng Setyembre, 2024.
Pinangunahan ni Police Corporal Mark C Garcia, PCR PNCO ng Glan Municipal Police Station, ang lecture patungkol sa Psychological Debfriefing at Spiritual Growth. Tinalakay din sa mga mag-aaral ang masamang epekto ng mga ipinagbabawal na gamot at at terorismo.
Layunin ng aktibidad na ito na mas lalong mapalakas ang spiritwal na aspeto ng mga mag-aaral. Dagdag dito ay magkaroon sila ng kamulatan at kaalaman hinggil sa mga ipinagbabawal na gamot at ang posibleng paghikayat sa kanila ng mga makakaliwang grupo.
Isa sa Core Values ng PNP ang maka-Diyos, kaya hinihinimok din ng ating mga kapulisan ang mga kabataan o mag-aaral na panatilihing magkaroon ng koneksiyon sa Diyos sapagkat ang Diyos ang may kontrol ng lahat.