Bloodletting Activity, isinagawa sa Cotabato City
Isinagawa ang Bloodletting Activity ng mga Timako and Tantawan Cluster Philippine Eagles Club sa City Mall, Gov. Gutierrez Avenue, Rosario Heights 7, Cotabato City nito lamang ika-16 ng Setyembre 2024.
Ang naturang aktibidad ay parte ng paggunita ng unang taon ng Chartered Anniversary ng Timako at Tantawan Cluster Philippine Eagles Club katuwang ang mga personahe ng Cotabato Regional and Medical Center, mga tauhan ng Maguindanao del Norte Provincial Medical and Dental Team at Philippine Army.
Ang nasabing aktibidad ay naglalayon na makatulong upang matiyak na ang mga stock ng dugo ay nananatiling sapat para sa mamamayan.
Patunay na handang tumulong at maglingkod sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng pag-aalay ng kanilang dugo upang mabigyan ng pag-asa at dugtungan ang buhay ng mga nangangailangan.