3-Day Basic Orientation Training para sa mga Brgy. Tanod, Matagumpay na nagtapos
Cagayan de Oro- Matagumpay na natapos ng 152 bagong Barangay Tanod mula sa 80 barangay sa Cagayan de Oro ang tatlong araw na Oro Barangay Tanod – Basic Orientation Training nito lamang ika-16 ng Setyembre 2024.
Ang nabanggit na pagsasanay ay batay sa pagsisikap ng buong Barangay Tanod Development Committee (BTDC) at mga miyembrong tanggapan ng lungsod. Ang BTDC ay pinamumunuan ni Police Colonel Salvador Radam, City Director ng Cagayan De Oro City Police Office, bilang Chairman, DILG City Director Edward Bhagwani bilang Co-Chairman, habang ang mga member office ay Community Affairs Office, City Local Environment and Natural Resources Office, City Legal , SK Federation, Liga ng mga Barangay, PDEA, BFP, Roads and Traffic Administration, at City Disaster Risk Reduction and Management Office.
Layun ng nasabing pagsasanay na palakasin ang kanilang kaalaman sa mga batas at karapatan ng mamamayan, sanayin sa tamang pagresponde sa emerhensya at iba pang insidente sa komunidad at palakasin ang kanilang koordinasyon at disiplina sa pagtupad ng tungkulin.