BPATs Mobilization, isinagawa sa Surigao del Norte

Nagsagawa ng Barangay Peace-keeping Action Team (BPATs) Mobilization ang mga tauhan mula sa Bacuag Municipal Police Station sa pamamagitan ng Security Assistance kasama ang BPATs at mga tanod sa ilalim ni G. Carlos R. Oval, Punong Barangay na naganap sa Brgy. Campo, Bacuag, Surigao del Norte noong Setyembre 15, 2024 bandang 9:20 ng umaga.

Ang aktibidad na ito ay naglalayong paigtingin ang seguridad sa komunidad sa pamamagitan ng presensya ng pulis at BPATs.

Ang inisyatibang ito ay upang magkaroon ng ugnayan sa mga mamamayan at upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng mga mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *