Indigenous People nakilahok sa Community Outreach Program ng Tarlac 2nd PMFC
Aktibong nakilahok ang mga kapatid nating Indigenous People at mga residente sa isinagawang Community Outreach Program, sa pamamagitan ng “Dishwashing Liquid-Making ng mga tauhan ng Tarlac 2nd Provincial Mobile Force Company sa Sitio Poquis, Brgy. Maasin, San Clemente, Tarlac, nito lamang Martes, ika-17 ng Setyembre 2024.
Ang naturang aktibidad ay pinamunuan ni Poloce Major Santi Frey D Lorenzo, Acting Force Commander ng Tarlac 2nd PMFC, kasama si Mr. Lamberto Elijah Villanueva, Project Development Officer II, DSWD III.
Ibinahagi sa naturang aktibidad ang paraan ng paggawa ng sabon na maaaring magamit nila sa kanilang pangkabuhayan o ang pagnenegosyo para sa kanilang pang araw-araw na pangangailangan.
Patuloy ang ating Pambansang Pulisya at Pamahalaan sa mga ganitong aktibidad na naglalayong palakasin ang ugnayan ng komunidad upang matulungan ang mga mamamayan sa kanilang pangkabuhayan na isa sa layunin ng kasalukuyang administrasyon na maunlad at masaganang Bagong Pilipinas.