BPATs, nakiisa sa Security Assistance sa Araw ng Serbisyo sa Surigao del Norte

Nakiisa ang Barangay Peace-keeping Action Team (BPATs) sa isinagawang Security Assistance ng Bacuag Municipal Police Station (MPS) sa isang programang pangkomunidad na tinawag na “Serbisyo sa Barangay” sa Brgy. Dugsangon, Bacuag, Surigao del Norte noong Setyembre 20, 2024.

Naging matagumpay ang pagmomobilisa sa BPATs, na nagbigay suporta hindi lamang sa seguridad kundi pati na rin sa mas mabilis at epektibong pagbibigay ng serbisyo sa mga mamamayan.

Nagsilbing simbolo ng pagkakaisa ang Serbisyo sa Barangay, ipinakita nito ang dedikasyon ng lokal na pamahalaan sa pagsisiguro ng kapayapaan at kaayusan.

Ang mga ganitong inisyatibo ay patunay ng matibay na hangarin ng pamahalaan na tugunan ang pangangailangan ng mga komunidad, lalo na sa mga malalayong lugar tulad ng Barangay Dugsangon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *