Mga estudyante, magulang at guro, nakiisa sa Lecture Activity ng Morong PNP
Aktibong nakilahok ang mga mag-aaral, magulang at guro ng Kanawan Integrated School sa Lecture Activity na naganap sa Floen-Gen Lodging House sa Brgy. Nagbalayong, Morong, Bataan nito lamang ika-22 ng Setyembre, 2024.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni Police Master Sergeant Ellen N Ellano, Community Affairs Division PNCO, sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni Police Captain Carlito A Buco Jr., Officer-in-Charge, katuwang si Dr. Leovigildo E. Domingo, Doctor of Education (EdD), at ang mga mag-aaral, magulang at guro ng nasabing lugar.
Nagbahagi ng kaalaman ang Morong PNP patungkol sa Anti-Bullying Act, Safe Spaces Act/RA 11313, Anti-Violence against Women and Children/RA9262, at Drug Awareness/BIDA Lecture para sa mga estudyante, magulang at guro ng sa ganun ay mas lalong maprotektahan ang karapatan, kaligtasan, at kapakanan ng bawat indibidwal, lalo na ang kababaihan, kabataan, at mga bata. Layunin ng nasabing aktibidad na palakasin ang kamalayan ng komunidad upang maiwasan ang karahasan, diskriminasyon, at pang-aabuso, at itaguyod ang responsableng pamumuhay na malayo sa ilegal na droga. Ang ganitong edukasyon ay mahalaga upang masiguro ang isang maayos at mapayapang Bagong Pilipinas.