BPATs at BHWs, nagsagawa ng Barangayanihan-Kalinga at inisyatibo para sa Malinis na Bayan

Nagsagawa ng Clean-up drive ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team, Barangay Health workers at mga Barangay officials sa Barangay Concepcion, Cabiao, Nueva Ecija nito lamang Sabado, ika-21 ng Setyembre 2024.

Ang inisyatibong ito ay alinsunod sa programang Barangayanihan-Kalinga at inisyatibo Para sa Malinis na Bayan, sa pangunguna ni Ms. Amor Dela Peña, Barangay Councilor, na aktibo namang nilahukan ng mga tauhan ng 1st Provincial Mobile Force Company ng Nueva Ecija PPO sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Wilfredo L Velayo Jr, Force Commander ng nasabing yunit.
Nagkaisa ang bawat indibidwal sa paglilinis.
Ang aktibidad na ito ay hindi lamang simpleng paglinis ng kapaligiran, kundi isang paraan din para magturo ng disiplina at kamalayan sa wastong pangangalaga ng kalikasan. Ito din ay kaakibat ng adhikain ng ating Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos na hikayatin ang mamamayan na maging bahagi ng pangangalaga sa kapaligiran.