Joint Cluster Meeting, isinagawa sa Sulu
Matagumpay na isinagawa ang Joint Cluster Meeting sa Sangguniang Bayan Building, Barangay Pasil, Indanan, Sulu nito lamang ika-23 ng Setyembre 2024.
Pinangunahan ng Local Government Unit ng naturang lugar ang naturang aktibidad katuwang ang Indanan Municipal Police Station, Armed Forces of the Philippines, Bureau of Fire Protection, Commission on Election.
Naglalayon ang aktibidad na ito katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno upang palakasin ang koordinasyon at kolaborasyon sa pagitan ng iba’t ibang ahensya at sektor para sa mas epektibong pagtugon sa mga isyu at pangangailangan ng komunidad.