Community Outreach Program, idinaos sa Sto. Niño, South Cotabato

Idinaos ang Community Outreach Program sa Community Tour ng Child Development Center Learners sa Sto. Niño, South Cotabato nito lamang ika-23 ng Setyembre, 2024.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng mga guro ng Child Development Center sa naturang lugar katuwang ng mga miyembro ng Sto. Niño Municipal Police Station.

Kasama sa aktibidad ng programa ay ang pagpapakain, paglilibot sa mga mag-aaral sa mga opisina ng istasyon ng pulisya at pagbibigay ng pagkakataon sa mga mag-aaral na sumakay sa Patrol Car.

Layunin ng aktibidad na sa murang edad ng mga bata ay maipaalam sa kanila ang kahalagan ng trabaho ng mga kapulisan at maipaabot sa mga kabataan na ang mga kapulisan ay ang kanilang malalapitan sa anumang oras. Panulat ni Toleme

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *