“Serbisyo sa Baryo Gobyerno sa Baryo”, inilunsad sa Davao del Norte

Pinangunahan ng lokal na pamahalaan ng Kapalong ang programang “Serbisyo sa Gobyerno Gidala sa Baryo” katuwang ang Kapalong Council of Women, Advocacy Support Group at Kapalong Municipal Police Station nito lamang Setyembre 24, 2024 bilang bahagi ng pagdiriwang ng 55th Araw ng Katipunan.

Ang naturang pagdiriwang ay napuno ng iba’t-ibang aktibidad mapabata man o matanda at libreng pampublikong serbisyo gaya na lamang ng medical at dental check-up at iba pang social, legal at agri services.

Kaugnay nito, namahagi naman ang Kapalong Municipal Police Station ng arroz caldo at tsinelas para sa mga bata.

Hindi rin kinalimutan ng kapulisan mamahagi ng Information, Education and Communication(IEC) materials na naglalaman ng mahalagang mga paalala sa pag-iwas sa krimen at contact details ng police station.

Ang makabuhulang pagtitipon na ito ay mahalagang paalala na mas epektibo at mabilis nating maiaabot ang malasakit sa publiko kung ang gobyerno at pribadong sektor ay aktibong nagtutulungan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *