BPATs, aktibong lumahok sa Project Juana
Aktibong Lumahok ang Barangay Peacekeeping Action Team (BPATs) sa Project Juana na ginanap sa Barangay Maragat, Kabugao, Apayao noong Setyembre 26, 2024.
Ang proyekto ay pinangunahan ng Apayao Police Provincial Office sa pakikipagtulungan ng Provincial Local Government ng Apayao na dinaluhan ng mga opisyal ng barangay, mga miyembro ng BPATs, at mga residente ng nasabing lugar.
Tampok sa aktibidad ang pamimigay ng libreng t-shirt, pagkain, at mga talakayan ukol sa RA 8353 o Anti-Rape Law, at karahasan laban sa kababaihan at kabataan (VAWC).
Layunin nitong magbigay ng karagdagang impormasyon para sa kapayapaan at kaligtasan ng komunidad.
Ang Project Juana ay isang inisyatiba ng Pambansang Pulisya na tumutok sa pagpapalakas ng kababaihan at LGBTQ, lalo na sa mga komunidad na nasa panganib ng insurhensiya, kriminalidad, at karahasang may kaugnayan sa kasarian.
Patuloy ang Pambansang Pulisya, kasama ang pamahalaan, sa pagsasagawa ng mga proyekto upang labanan ang krimen at mapanatili ang kaligtasan ng mga mamamayan.