Ngiti at Pag-asa: Dental Mission handog ng Advocacy support group sa Iloilo
Sa pagdiriwang ng National Children’s Month, matagumpay na isinagawa ng mga miyembro ng advocacy support group ang “SMILE LIKE A HERO” Dental Mission sa Iloilo Police Provincial Office, Ilonggo Cops Covered Gym nito lamang ika-20 ng Nobyembre 2024.


Ang aktibidad ay pinangunahan ng Babaye Bangon Movement, katuwang ang Philippine Dental Association at ang School of Dentistry ng Iloilo Doctors College.
Ang programa ay may temang “Break the Prevalence, End Violence: Protecting Children, Creating a Safe Philippines!”na naglalayong magbigay ng libreng serbisyong dental sa mga bata at isang mahalagang hakbang upang mapanatili ang kanilang kalusugan at maitaguyod ang tamang pangangalaga sa ngipin, at maiparamdam na sila’y mahalaga at protektado ng komunidad Nabigyan ang mga kabataan ng libreng dental check-up, tooth extraction, at oral hygiene education.
Patuloy ang ating mga local na grupo at kapulisan sa pagsagawa at pakikilahok sa ganitong mga inisyatiba upang mas bigyan ng malusog na kalusugan at pamumuhay ang ating kumunidad.
Patuloy ang mga lokal ba grupo kasama ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa pagsagawa ng mga ganitong inisyatibang programa para itaguyod ang kalusugan at kabutihan ng bawat mamamayan sa komunidad.