Symposium on Anti-Drug Abuse Campaign, isinagawa sa Mondragon, Northern Samar
Nakilahok ang mga mag-aaral ng Mondragon Agro Industrial High School sa isinagawang symposium sa Anti-Drug Abuse Campaign na ginanap sa Brgy. Chitongco, Mondragon, Northern Samar nito lamang ika-20 ng Nobyembre 2024.

Ang aktibidad ay inisyatiba ng 803rd Maneuver Company, RMFB 8 sa pamumuno ni Police Captain Solomon A Agayso, Officer-In-Charge na dinaluhan ng mga mag-aaral at guro ng nasabing paaralan.
Ang pagpupulong ay kaugnay sa pagdiriwang ng Drug Abuse Prevention and Control Week 2024, na may temang “Prioritizing Health-Based Approach in Drug Abuse Prevention and Control.”
Ito ay mahalaga para sa pagpapataas ng kamalayan tungkol sa mga panganib ng pag-abuso sa droga at ang epekto nito sa mga indibidwal at komunidad.
Hinihikayat ang pakikipagtulungan sa pagitan ng mga ahensya ng gobyerno, mga tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan, at mga lokal na komunidad upang harapin ang lumalaking isyu hinggil sa droga.