Simultaneous Coastal Clean Up Activity, isinagawa sa iba’t ibang Barangay sa Palawan

0
467459740_1085695513043555_6191884879341492746_n

Nagsagawa ng sabay-sabay na Coastal Clean-Up Activities ang iba’t ibang barangay sa mga coastal areas ng Purok Honda Bay, Puerto Princesa City, Sitio Mangahan, Barangay Tagumpay, Coron, and Sitio Bliss Brgy. Alfonso XIII Quezon, Palawan nito lamang ika-19 ng Nobyembre 2024.

Ang aktibidad na ito ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno at non-government agency, miyembro ng Barangay Peace Action Team, AMPA Guards, Sangguniang Kabataan Members, 4Ps beneficiaries, Fisherfolks/Residents of Sitio Bliss Brgy. Alfonso XIII Quezon.

Aktibo rin na nakiisa ang mga tauhan ng 2nd Special Operations Unit-Maritime Group (2nd SOU-MG) Ang makabuluhang tagumpay na ito ay sumasalamin sa dedikasyon at pagsusumikap ng lahat ng kalahok sa pangangalaga at pagprotekta sa kapaligiran ng dagat.

Binibigyang-diin ng inisyatiba na ito ang kahalagahan ng pakikilahok ng komunidad sa pangangalaga sa kapaligiran at ipinapakita ang bisa ng pinagsama-samang pagsisikap sa pagitan ng iba’t ibang sektor ng lipunan upang makamit ang iisang layunin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *