2024 Provincial Children’s Month Celebration, idinaos sa Lungsod ng Lucena
Naging matagumpay ang pagdiriwang ng Provincial Children’s Month 2024 na may temang “Break the Prevalence, End the Violence; PROTECTING CHILDREN, Creating a Safe Philippines” na ginanap sa Quezon Convention Center, Provincial Capitol Compound, Lucena City, Quezon Province nito lamang Martes, ika-19 ng Nobyembre 2024.


Ang aktibidad ay pinangunahan ni Hon Angelina “Doktora Helen” De Luna Tan, Quezon Provincial Governor, kasama sina Police Colonel Ruben B Lacuesta, Provincial Director ng Quezon Police Provincial Office, Hon. Anacleto Alcala lll, Vice Governor, Provincial Administrator, DILG Quezon Provincial Director at QPPO Staff.
Dumalo rin ang Staff of PGDH PSWDO, Provincial Child Development Center at ang Local Chief Executive ng LGUs. Ang benepisyaryo ng aktibidad ay ang mga bata mula sa iba’t ibang komunidad ng Quezon Province.
Tinalakay ang tungkol sa mga karapatan ng bawat bata at dapat itaguyod sa pamamagitan ng pagpapatupad ng batas.
Ang pagkakaroon ng ganitong uri ng aktibidad ay nagpapakita lamang na sama-sama ang mga iba’t ibang ahensya ng Gobyerno upang maprotektahan ang pangkalahatang kapakanan ng bawat bata sa ating komunidad tungo sa maayos at masayang pamumuhay.