Pulisya at Komunidad, nagkaisa sa Pagdiriwang ng Children’s Month 2024
Nagkaisa ang kapulisan mula sa Kabasalan Municipal Police Station para sa pagdiriwang ng 32nd Children’s Month 2024 na ginanap sa Dipala Elementary School noong Lunes, ika-25 ng Nobyembre 2024.

Pinangunahan ni Police Lieutenant Phillip Basaya Jr., sa ilalim ng superbisyon ni Police Captain Romualdo L PUIG lll, Officer-In-Charge, Kabasalan MPS, ang aktibidad na may temang “Break the Prevalence, End the Violence; Protecting Children, Creating a Safe Philippines”.
Layunin ng pagdiriwang na paigtingin ang kamalayan ng publiko sa kahalagahan ng pagtataguyod ng karapatan at kapakanan ng mga bata, kasabay ng pagsugpo sa anumang uri ng karahasan.
Binigyang-diin sa programa ang pagkakaisa ng mga magulang, guro, stakeholders, at pulisya sa pagbuo ng isang ligtas at mapagkalingang kapaligiran para sa bawat bata.
Sa pamamagitan ng patuloy na pagsuporta ng PNP, umaasa ang komunidad na mapanatili ang proteksyon at kaligtasan ng kabataan tungo sa mas maliwanag na kinabukasan.