Barangay Tanod, sumailalin sa Skills Enhancement Training sa Negros, Occidental
Sumailalim sa Skills Enhancement Training ang mga Barangay Tanod ng Victorias City sa Negros Occidental nito lamang ika-24 ng Nobyembre 2024.


Ito ay inisyatiba ng 605th Maneuver Company, RMFB6, sa pangunguna ni PMaj John Salvador A Bello, Company Commander sa pakikipagtulungan ng DILG sa pangangasiwa ni Ms. Michelle A. Arriola, LGOO VI ng Victorias City kasama ang Victorias CCPS, BFP, at SAFRG PHI. Aktibong nakilahok sa aktibidad ang mga barangay tanod mula sa Barangay 9, 12, 13, 14, 20, at 21 ng Victorias City.
Layunin ng nasabing aktibidad na tiyakin na ang mga Barangay Tanod na nagsisilbing pangunahing tagapagpanatili ng kapayapaan sa mga barangay ay may sapat na kaalaman at kasanayan upang mas mahusay na maglingkod at magbigay ng proteksyon sa komunidad.
Itinuro sa mga kalahok ang citizen’s arrest, disarming technique, first aid, fire drill, at tamang pag-apula ng sunog.
Patuloy na ipinatutupad ng mga ahensyang ito ang kanilang adbokasiya na paigtingin ang kakayahan ng mga Barangay Tanod upang masiguro ang kaligtasan at kapayapaan sa bawat sulok ng komunidad.