BPATs, nakiisa sa Tulong Pangseguridad sa Bacuag, Surigao del Norte

Nakiisa ang Barangay Peacekeeping Action Team (BPATs) sa isinagawang Tulong Pangseguridad ng mga kapulisan sa Bacuag Municipal Police Station na naglalayong mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa kanilang nasasakupan sa lingguhang “Tabo Sa Barangay” na ginanap sa Pampublikong Pamilihan, Barangay Poblacion, Bacuag, Surigao del Norte mula 7:00 ng umaga noong Nobyembre 27,2024. Layunin ng pagsasanib-puwersa na magbigay ng police presence at tulong pangseguridad sa implementasyon ng programang LIGTAS Caraga, isang inisyatibo na naglalayong patatagin ang mga hakbang sa pagpigil ng krimen at magbigay ng mas epektibong estratehiya sa seguridad.

Isinagawa ang inisyatibong ito upang siguraduhin ng mga pulis at BPATs ang maayos na daloy ng kalakalan at kaligtasan ng mga mamimili at negosyante.

Ang presensya ng pulisya at BPATs sa mga pampublikong lugar tulad ng pamilihan ay mahalaga upang mapanatili ang tiwala ng komunidad sa kakayahan ng awtoridad na pangalagaan ang kanilang kaligtasan.

Ang tagumpay ng aktibidad na ito ay patunay na ang kooperasyon sa pagitan ng mga lokal na opisyal, BPATs, at PNP ay epektibong susi sa pagpigil ng kriminalidad at pagtugon sa mga hamon ng seguridad sa komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *