Outreach Program, nilahukan ng BPATs sa General Santos City

Nakiisa sa isinagawang Outreach Program ang Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) sa Purok Minanga, Barangay Buayan, General Santos City nito lamang ika-29 ng Nobyembre 2024.

Ang naturang aktibidad ay mula sa inisyatibo ng nasabing barangay Nakiisa din sa aktibidad ang mga tauhan ng Philippines Coast Guard at General Santos City PNP. Nag lecture din ang grupo patungkol sa Basic Human Rights at R.A. 9262 (VAWC), at iba pang mga batas kasabay nito ang pamamahagi ng mainit na lugaw, tinapay, at juice sa mga residente kabilang ang mga bata, at matatanda.

Nagsagawa din ng Coastal Clean-up Drive ang grupo at Tree Planting Activity.

Layunin ng aktibidad na nakapagbigay serbisyo at abutin ang mga malalayong lugar sa lipunan para mailapit ang serbisyo ng pamahalaan.

Ang aktibidad na ito ay nagpapatunay lamang na tunay ang malasakit ng ating mga kababayang lubos na nangangailangan at isa din itong paraan upang mas lalo pang pagtibayin ang relasyon sa pagitan ng PNP at ng komunidad para sa isang Bagong Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *