KKDAT, nakiisa sa Drug Awareness sa Esperanza, Sultan Kudarat

Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo sa isinagawang drug awareness ng mga awtoridad sa Barangay Poblacion, Esperanza, Sultan Kudarat nito lamang ika-5 ng Enero 2025.

Pinangunahan ng mga tauhan ng Esperanza Municipal Police Station, ang nasabing aktibidad sa ilalim ng pamumuno ni Polce Captain Jeffrey T Lazaro, Officer-In-Charge.

Itinuro sa mga dumalong KKDAT ang mga ipinagbabawal na gamot at ang mga masasamang epekto nito.

Layunin ng ganitong aktibidad na mamulat ang mga kabataan na nakakasama at nakakasira ang paggamit ng ilegal na droga.

Binigyang diin na ang illegal na droga ay may masamang dulot sa kalusugan at sa kinabukasan.

Ang PNP ay hindi lamang nagsasagawa ng mga operasyon kontra ilegal na droga kundi nagsasagawa ng mga awareness upang magkaroon ng kamalayan ang mga kabataan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *