Lakbay Katrangkiluhan, inilunsad sa Sorsogon
Tulong-tulong nq inilunsad ng mga awtoridad ang Lakbay Katrangkiluhan Motorist Booths kasabay ng paggunita ng Semana Santa, sa pakikipagtulungan ng mga LGU, katuwang ang PNP, DRRMO, BFP, at iba pang mga ahensya ng pamahalaan.

Layunin ng inisyatibong ito na matiyak ang kaligtasan at kaayusan ng mga biyahero at motorista sa mga pangunahing lansangan.
Ang nasabing mga booths ay itinalaga sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan na naatasang maghatid ng road assistance, first aid, seguridad, at mahalagang impormasyon sa paglalakbay.

Pinapayuhan naman ng mga awtowirad ang lahat nang mga babiyahe sa lalawigan ng Sorsogon ngayong Semana Sanata na isaalang-alang ang pag-iingat sa biyahe at panatilihin ang disiplina sa kalsada.