Biyaya at serbisyo, hatid ng 2nd Cagayan PMFC katuwang ang Brgy. officials para sa Agta community sa Lasam

0
viber_image_2026-04-04_11-46-00-781

Nagsagawa ng isang makabuluhang outreach activity ang mga tauhan ng 3rd MFP ng 2nd Cagayan PMFC pangunguna ni PLt Ronald Battad, Platoon Leader, katuwang ang mga opisyal ng Barangay Gabun, Lasam, Cagayan noong ika-1 ng Abril 2026.

Layunin ng nasabing aktibidad na maghatid ng tulong at saya sa komunidad, partikular sa mga pamilyang kabilang sa Agta. Sa isinagawang programa, namahagi ang grupo ng tatlumpung pares ng tsinelas at tig-dadalawang kilo ng bigas sa bawat pamilya. Nagsagawa rin ng libreng gupit bilang bahagi ng serbisyong pangkomunidad.

Bukod sa pamamahagi ng tulong, nagsilbi rin ang aktibidad bilang pagkakataon upang mapalakas ang ugnayan ng kapulisan at ng komunidad, at maipakita ang malasakit ng pamahalaan sa mga katutubong mamamayan.

Lubos ang pasasalamat at kagalakan ng mga miyembro ng komunidad ng Agta sa mga biyayang kanilang natanggap. Malaking tulong ang mga ito sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan at nagbigay inspirasyon sa kanila na patuloy na makipagtulungan sa mga programa ng pamahalaan.

Patuloy namang tiniyak ng pamunuan 2nd CPMFC ang kanilang suporta sa mga ganitong uri ng aktibidad bilang bahagi ng kanilang adbokasiya na maghatid ng serbisyo, kapayapaan, at kaunlaran sa bawat komunidad.

Source: 2nd Cagayan PMFC

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *