Clean-up Drive, isinagawa sa MisOr

Isinagawa ang Clean-up Drive kaugnay sa pagdiriwang ng “Zero Waste Month”, tulong-tulong ang mga Brgy. Officials, Barangay tanod, volunteers at mga residente sa Johndorf Plaza, Zone 9, Barra, Opol, Misamis Oriental nito lamang ika-25 ng Enero 2025.

Ang aktibidad ay inisyatibo ni Hon. Pepe B. Bual, Chairman ng Brgy. Ecological & Solid Waste Management Committee (BESWMC).

Nakalikom ng 10 sako ng iba’t ibang basura ang naturang grupo.

Patunay lamang nito na sa pamamagitan ng pagtutulungan ng komunidad, mag reresulta ito ng malinis at maginhawang pamumuhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *