Bloodletting Activity, isinagawa sa Oroquieta City

Nagsagawa ng bloodletting activity ang Gregorio O Calit Masonic Lodge No.154 Masonic District RX- Misamis Occidental sa Poblacion 1, Oroquieta City, Misamis Occidental nito lamang ika-27 ng Enero 2025.
Katuwang sa naturang aktibidad ang Misamis Occcidental Provincial Hospital (MOPH) at MHARS General Hospital and City Health Office.
Dumaan sa iba’t ibang screening ang mga donors upang masiguro ang kaligtasan at pati ang mga benepisyaryo ng nalikom na dugo.
Layunin ng aktibidad ang matulungan ang mga kababayan na madugtungan ang buhay ng nangangailangan.
