Western Visayas Medical Center Blood Bank, namuno sa Bloodletting Activity sa PRO6



Naging matagumpay ang isinagawang Bloodletting Activity sa PRO-6 Multi-purpose Hall, Camp Gen. Martin Teofilo B. Delgado sa Iloilo City, nito lamang ika-7 ng Pebrero 2025.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng Western Visayas Medical Center Blood Bank, kasama ang Police Regional Office 6 sa pamumuno ni PBGen Jack L Wanky, Regional Director, PRO6 at ang Regional Medical and Dental Unit 6, na siyang nangunguna sa pangangalap ng dugo para sa mga nangangailangang pasyente sa rehiyon.
Ang Western Visayas Medical Center Blood Bank ay may mahalagang papel sa pagbibigay ng sapat at ligtas na suplay ng dugo sa mga ospital at pasilidad ng kalusugan sa buong rehiyon.
Sa pamamagitan ng aktibidad na ito, mas maraming buhay ang maaaring maisalba, lalo na sa mga nangangailangan ng agarang pagsasalin ng dugo.
Ang inisyatibang ito ay nagpapakita ng sama-samang pagkilos ng dalawang ahensya mapa pribado man o ahensya ng gobyerno upang mapanatili ang kalusugan at kaligtasan ng publiko.
Patuloy na hinihikayat ng Western Visayas Medical Center Blood Bank ang publiko na magbigay ng dugo bilang isang makabuluhang paraan ng pagtulong sa kapwa.
Ang kanilang dedikasyon sa serbisyong medikal ay isang malaking tulong sa pagsigurong may sapat na suplay ng dugo para sa mga nangangailangan sa Western Visayas.