Barangay Tanod sa Iloilo, sumailalim sa 3-araw na pagsasanay

0

Barangay Tanod sa Iloilo, sumailalim sa 3-araw na pagsasanay

viber_image_2025-02-24_17-41-05-578

San Joaquin, Iloilo – Upang higit pang mapalakas ang kakayahan ng mga barangay tanod sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa kanilang mga komunidad, isinagawa ang tatlong araw na komprehensibong pagsasanay para sa mga Chief Tanod mula sa 85 barangay ng bayan ng San Joaquin, na nagtapus nito lamang ika-22 ng Pebrero 2025.

Pinangunahan ito ng San Joaquin Municipal Police Station, sa pamumuno ni PCpt Chrysler John Ledesma, katuwang ang Department of the Interior and Local Government (DILG) VI, Iloilo Police Provincial Office VI, at ang Local Government Unit ng San Joaquin.

Ang naturang pagsasanay ay naglalayong bigyan ng mas malalim na kaalaman at praktikal na kasanayan ang mga barangay tanod pagdating sa pagtugon sa insidente ng krimen, disaster response, crowd control, at tamang koordinasyon sa mga awtoridad. Maliban dito, itinuro rin sa kanila ang kahalagahan ng human rights at due process sa kanilang mga operasyon upang masiguro na ang kanilang gawain ay alinsunod sa batas.

Mahalaga ang papel ng mga barangay tanod bilang unang responders sa anumang insidente sa kanilang lugar. Ang pagsasanay na ito ay isang hakbang upang tiyakin na handa at may sapat na kaalaman ang ating mga barangay tanod sa kanilang tungkulin bilang tagapagtaguyod ng kaayusan sa kani-kanilang barangay.

Lubos namang nagpasalamat ang mga barangay tanod sa pagkakataong ito, dahil mas nadagdagan ang kani-kanilang kaalaman sa tamang pagpapatrolya, paghawak ng emergency situations, at pakikipag-ugnayan sa pulisya.

Patuloy na sinusuportahan ng lokal na pamahalaan ng San Joaquin ang ganitong mga programa upang matiyak na ligtas at mapayapa ang buong bayan. Isinusulong din nila ang mas maraming pagsasanay upang mas mapalakas pa ang kakayahan ng mga barangay tanod sa pagseserbisyo sa kanilang mga nasasakupan.

Sa pamamagitan ng ganitong mga pagsasanay, inaasahang mas magiging epektibo at handa ang mga barangay tanod sa pagtugon sa iba’t ibang hamon ng seguridad sa kanilang mga komunidad. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *