Faith Based Advocacy Group, nagsagawa ng lecture sa bayan ng Peñablanca

Faith Based Advocacy Group, nagsagawa ng lecture sa bayan ng Peñablanca

Aktibong nagsagawa ang Faith Based Advocacy Group ng lecture sa Brgy. Centro, Peñablanca, Cagayan nitong Martes, Pebrero 25, 2025.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Pastor Renato Regio,  My Brother’s Keeper- Life Coach (MBK-LF) at  PCpl Frolaine O Paragas, Women and Children Protection Desk, PNCO ng Peñablanca Police Station, Cagayan Police Provincial Office.

Tinalakay ni Pastor Regio ang 2 Timoteo 3:16-17 “Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos, at kapaki-pakinabang sa pagtuturo ng katotohanan, sa pagsaway sa kamalian, sa pagtutuwid sa likong gawain at sa pagsasanay para sa matuwid na pamumuhay, 17 upang ang lingkod ng Diyos ay maging ganap at handa sa lahat ng mabubuting gawain.”

Ang aktibidad ay sa ilalim ng Project D.I.V.I.N.E. Intervention – (Desiring Individuals and Vulnerable Families to Involve in Nourishing Spiritual and Psychological Enlightenment) Intervention.

Layunin ng aktibidad na ito na mapatatag ang pananampalataya ng bawat mamamayan sa pamayanan at upang magkaroon ng takot na gumawa ng anumang krimen pra sa mas ligtas at maunlad na bagong pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *