2025 National Women’s Month Celebration, idinaos sa Naval Biliran

0

2025 National Women’s Month Celebration, idinaos sa Naval Biliran

viber_image_2025-03-03_07-37-02-223

Matagumpay na idinaos ang symposium sa mga 4Ps beneficiaries kaugnay sa 2025 National Women’s Month Celebration sa Brgy. P.S. Eamiguel, Naval, Biliran nito lamang Marso 1, 2025.

Ang aktibidad ay inisyatiba ng mga tauhan ng Women and Children Protection Desk Naval Police Station sa pamumuno ni Police Major Sherwin Amando L Machete, Officer-In-Charge at aktibong dinaluhan ng mga 4Ps beneficiaries ng nasabing Barangay.

Ang paksang tinalakay ay “Pagkilala sa Pang-aabuso sa Kababaihan” at ito ay napapanahon at angkop na paksa na nagbibigay ng kaalaman sa madla tungkol sa iba’t ibang anyo ng karahasan laban sa kababaihan, mga risk factors at ang cycle ng karahasan na umuulit sa loob ng isang mapang-abusong relasyon.

Binigyang-diin din ang terminong “Intimate Partner Violence” bilang isa pang paraan ng pagtawag sa mga pang-aabuso na bumibiktima sa mga kababaihan na kadalasang ginagawa ng kanilang intimate partners.

Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng isang buwang pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan ngayong taon na nakatuon sa Women Empowerment at pagbabago ng kababaihan tungo sa isang magandang kinabukasan na may temang: “Babae sa Lahat ng Sektor, Aangat ang Bukas sa Bagong Pilipinas”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *