Advocacy Support Group, nakiisa sa Community Outreach Program Kaugnay sa OPLAN M.A.R.V.E.L. sa Negros Oriental

Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng Advocacy Support Group sa Community Outreach Program kaugnay sa OPLAN M.A.R.V.E.L. sa Barangay Pagatban, Bayawan City, Negros Oriental, noong ika-23 ng Pebrero 2025.

Ang aktbidad ay inisyatiba ng  Bayawan City Police Station sa pangunguna ni Police Lieutenant Joeson B Parallag, katuwang ang mga opisyal ng barangay sa pangunguna ni Hon. Irving Jordan, kasama ang 705TH Maneuver Company RMFB 7.

Bilang bahagi ng community outreach, nagbigay rin ng iba’t ibang libreng serbisyo tulad ng libreng gupit, feeding program. Bukod dito, nagkaroon din ng symposium kung saan tinalakay ang mahahalagang batas gaya ng R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act), Anti-Violence Against Women and Their Children (VAWC), Katarungang Pambarangay, at Traffic Safety Rules.

Layunin ng programa na isulong ang mapayapa at maayos na pamumuhay para sa lahat sa pamamagitan ng epektibong pagpapatupad ng batas, pagpapalakas ng kampanya laban sa terorismo, at pagbibigay ng serbisyong pangkomunidad. Ang aktibidad na ito ay isang patunay ng sama-samang pagkilos para sa mas ligtas at mas maunlad na pamayanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *