Coastal Clean-Up Drive, isinagawa sa Palawan

Coastal Clean-Up Drive, isinagawa sa Palawan

Matagumpay na isinagawa ang Coastal Clean-Up Activity sa Sitio Maria Hangin, Brgy Bugsuk, Balabac, Palawan, nito lamang ika-25 ng Pebrero 2025.

Naisakatuparan ang aktibidad sa pagtutulungan ng mga residente ng lugar at mga tauhan ng 1st Palawan Provincial Mobile Force Company.

Ang aktibidad na ito ay naglalayon na mapanatili ang likas na kagandahan ng mga baybaying bahagi ng Palawan, habang pinapasigla ang sama-samang diwa sa pagitan ng ahensya ng gobyerno at mga residente sa pangangalaga sa kapaligiran.

Naglalayon itong itaguyod ang tiwala, mapabuti ang ugnayan sa komunidad, at lumikha ng mas ligtas at mas maayos na komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *