Blood Donation Drive, isinagawa sa Tacloban City

Matagumpay na isinagawa ng Philippine Red Cross ang Blood Donation Drive sa Barangay 94, Tacloban City nito lamang Sabado, ika-12 ng Abril 2025.
Ito ay inorganisa ng 93.5 Brigada News FM Tacloban, katuwang ang Philippine Red Cross na aktibong nilahukan ng 805th Maneuver Company, RMFB 8 sa pamumuno ni Police Major Tyrone Mark A Cartalla, Company Commander.
Ang aktibidad ay may temang “Dugo ko, Buhay Mo, Isang Tahanan Tayo”, layunin nito na makalikom ng sapat na supply ng dugo upang ibahagi sa ating mga kababayan na may malubhang karamdaman upang madugtungan pa ang kanilang buhay.
Ang naturang aktibidad ay hindi lamang nakatulong upang mapunan ang mga blood bank ng ospital kundi pinatibay din ang ugnayan sa pagitan ng ahensya ng gobyerno at ng komunidad.