Clean-up Drive, idinaos sa North Cotabato

Idinaos ang isang clean-up drive na ginanap sa Barangay Bangkal, Magpet, North Cotabato nito lamang ika-22 ng Abril 2025.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng Lokal na Pamahalaan ng Magpet katuwang ang mga tauhan ng Magpet Municipal Police Station.

Layunin ng programa na hikayatin ang kooperasyon at pagkakaisa sa komunidad sa pamamagitan ng sabay-sabay na paglilinis upang mapanatili ang kalinisan ng kapaligiran, mabawasan ang polusyon, at maiwasan ang pagkalat ng sakit na dulot ng basura.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *